2-ANYOS NA BATA, NAMATAY SA PANG-AABUSO NG MAGULANG; ULTRA-SPICY BULDAK SAUCE AT SOJU, IPINAKAIN SA BATA

 


Lumalabas na isang kaso ng parental abuse ang pagkamatay ng isang 2-taong gulang na bata nitong nakaraang taon.

Ayon sa ulat, ibinunyag sa pagdinig ng korte na pinilit na pakainin ng ultra-spicy “buldak” sauce at soju ang bata. Madalas din itong sinasaktan ng nagresulta sa pagkakaroon ng maraming gasgas at pagka-fracture ng bungo nito.

Isinugod naman ng mga magulang ang bata sa ospital matapos na mapansing hindi na ito humihinga. Dito, nadiskubre ng medical staff na ang 2-anyos na bata ay namatay sa bigat na 6.9-kilos na nagpapahiwatag na ito’y nasa matinding malnutrisyon.

Pahayag ng mga prosecutor, hindi agad naiulat ng mga magulang ang pagkamatay ng bata dahil sa takot na malantad ang kanilang ginawang pang-aabuso rito.

Dahil dito, mahaharap ang mga magulang ng bata sa kasong child abuse resulting in death, repeated abuse at negligence.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog