Mainit na pinag-usapan ngayon ng mga netizens ang isyung kinasasangkutan ng magkarelasyong Andi Eigenman at Philmar Alipayo.
Ito’y kasunod ng mga ‘cryptic messages’ na ipinost ni Andi sa kaniyang Instagram maging ang partner nitong si Philmar.
Nagsimulang umugong ang balita matapos na mag-unfollow sa isa't isa sa Instagram sina Andi at Philmar na sinundan ng post sa kani-kanilang IG stories na nagpalakas ng spekulasyon ng netizens ng umano'y isyu ng cheating o panloloko.
Sa post ni Andi, ibinunyag nito ang ilang mga screenshots ng paghingi ng advice online ukol sa kaibigang nais magkaroon ng lover’s couple tattoo sa lalaking may karelasyon na.
Dito na nagsimula ang spekulasyon sa kamakailang post ni Philmar kung saan nagpa-tattoo kasabay at kapareho ng kasama nitong babae.
Bago pa man ang isyung ito, nauna nang nakita si Philmar kasama ang isang babae na siyang nilinaw naman ni Andi na wala lang ito lalo na’t kaibigan naman sila ni Philmar.
Ngunit sa kabila nito, binigyang-linaw ni Andi ang kaniyang ipinost na ‘cryptic message’ at itinanggi na niloloko siya ni Philmar.
Aniya, kaibigan niya ang kaniyang tinutukoy sa kaniyang mga ‘cryptic post’ kung saan ipinaliwang nitong kahit na napapansin na niya ang mga red flags sa kaibigan ay nirerespeto niya pa din ang kanilang relasyon ni Philmar.
Gayunpaman, sa huli napagtanto ng dating aktres na hindi naman maituturing na toxic ang relasyon kapag mag-set ng boundaries.
0 Comments