BANGKAY NG ISANG LOLA, HINUGOT SA NITSO; UNDERWEAR, NAWAWALA


Nadiskubre ng isang sepulturero ang bangkay ng isang lola na wala na sa loob ng nitso at natagpuang wala ng suot na damit sa hindi kalayuan sa pinaglibingan nito sa Sto. Domingo, Albay noong Linggo.

Ayon sa report, ang naturang bangkay ay isang 82-anyos na lola at inilibing noong Sabado, Pebrero 15 sa isang apartment-type na nitso.
Sinasabing sinira ang nitso ng bangkay tsaka kinuha ang ataul at hinila sa halos 100-metro na layo mula sa pinaglibingan.
Dagdag pa rito, nakita na lang din na nakadapa sa lupa ang labi ng patay na may mga galos katawan, walang kasuotan at hinihinalang kinaladkad pa papalayo.
Nadiskubre rin ng mga otoridad na nawawala ang underwear na suot ng lola.
Dinala sa punerarya ang labi ng 82-anyos na lola. Dahil umano sa takot na maulit muli ang nangyari, plano ng pamilya na ipa-cremate na ang bangkay ng lola.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Sto. Domingo MPS para makilala at maaresto ang taong nasa likod ng paglapastangan sa bangkay ng biktima.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog