NAG-VIRAL NA ABORIGINAL MAN, TINAWAG NA "DISGUSTING"

 


Tinawag na “disgusting” ng isang lalaki na Aboriginal matapos na mag-viral ang TikTok video nito.

Orihinal na in-upload ni Eric Yunkaporta, isang Aurukun, sa kaniyang TikTok account ang video na dinownload ng ilang netizens para gawing katatawanan sa isang “FaceTime prank”.

Ginagawa ng mga content creators ay nire-record nila ang kanilang sarili na ka-video call ang isang kaibigan o kapamilya kung saan sa halip na sariling mukha ang lumabas sa video ay pinalabas nilang katawagan nila ang nasa video ini-upload ni Eric.

Hindi lang sumikat sa TikTok ang video kundi pati na rin sa buong mundo dahil kumalat na rin ito sa iba pang social media platforms tulad ng Facebook, Instagram, Snapchat, at YouTube.

Ikinagulat naman ito nina Eloise at Leona Yunkaporta, pinsan ni Eric na pawang naninirahan sa Aurukun community sa north Queensland.

Pahayag ni Town councilor Leona Yunkaporta na maituturing aniya itong bullying at panunuya sa mga tao ng First Nations kung kaya’t hiniling nitong ipatanggal ang naturang video.

Lumikha din ng kritisismo mula sa ilang content creators ng First Nations ang nasabing video.

Bagama’t may ilan ng content creators ang humingi ng pasensya sa pagpapakalat ng video, hindi pa din mawawala sa nabiktimang pamilya ang naramdamang kahihiyan sa nangyari.

Napag-alaman na si Eric Yunkaporta ay iginagalang at susunod na magiging lider ng kanilang komunidad.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog