Iimbestigahan ng Department of Education ang umano’y mga ‘ghost
student’ sa Senior High School (SHS) Voucher Program ng 12 private schools sa 9
na school divisions.
Ayon sa DepEd, ang naturang hakbang ay bahagi ng marching
order ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa transparency at accountability ng
ahensya upang mapanatili ang integridad ng pondo at implementasyon ng programa.
Kaugnay nito, maliban sa pagtanggal ng accreditation sa
eskwelahan ay kakasuhan din ng DepEd ng kasong administratibo at kriminal ang
sinumang responsibla sa paggamit ng pondo na para sa edukasyon.
Samantala, tiniyak naman ng DepEd sa publiko na patuloy
silang magbibigay ng ayuda sa mga lehitimong estudyante upang makapagpa¬tuloy
sa kanilang pag-aaral.
0 Comments