HIWALAYAN NINA CATRIONA GRAY AT SAM MILBY, KUMPIRMADO



Kinumpirma ng aktor na si Sam Milby ang kanilang hiwalayan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray matapos ang halos isang taong spekulasyon sa kanilang relasyon.

Sinabi ni Sam na “okay” sila ng dating fiancé at wala aniyang problema.

Ibinahagi pa ng aktor na nakatuon ito sa kaniyang trabaho at personal growth.

Binigyang-linaw naman ng aktor ang umano’y mga kumakalat na haka-haka sa kanilang paghihiwalay ni Catriona, kabilang na ang alegasyong third party ang singer/songwriter na si Moira Dela Torre.

Nagbabala din ito sa mga tao na mag-ingat sa mga nakikita online lalo na kung wala namang sapat na ebidensya ay huwag agad paniwalaan.

Matatandaang isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon noong 2020 at na-engaged noong 2023.

Hanggang sa napansin ng mga netizens ang pagtanggal ng mga engagement photos sa social media ni Catriona maging ang kaniyang engagement ring ay hindi n anito suot.

Mas lalo pang uminit ang kanilang hiwalayan nang maispatan sa isang video footage ang pag-iyak ng beauty queen sa concert ni TJ Monterde.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog