VIRAL NGAYON ONLINE ANG KUMAKALAT NA LARAWAN NG DUGUANG MUKHA NG INFLUENCER AT DJ NA SI JELLIE AW MATAPOS UMANONG BUGBUGIN NG KASINTAHANG SI JAM IGNACIO.
Si Ignacio ay dating naugnay bilang karelasyon ni Karla Estrada.
"Jam Ignacio Sobrang Laki ng Tiwalang Ibinigay namin sayo bilang matalik na kaibigan ni Jellie Aw, Pero Bakit mo ginawa ito?? Kahit anong kasalanan at pag tatalo nyo bilang magkarelasyon, wala kang karapatang manakit ng isang Babae!. Di ka namin mapapatawad. Halos Patayin mo Kaibigan namin!" post ng kaibigan ni Jellie na si Christian Tugado.
Ayon sa Facebook post ng kapatid ni Jellie, nangyari ang insidente sa loob ng naka-lock na sasakyan, dahilan na walang pagkakataon na lumaban o tumakas ang biktima.
0 Comments