3 SIMBAHAN SA RIZAL, KINILALA BILANG NCTs

 


Idineklara bilang National Cultural Treasures (NCTs) ang tatlong simbahan sa probinsya ng Rizal ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Kabilang sa mga kinilala ang Spanish-era churches na kinabibilangan ng Sta. Ursula Parish sa Binangonan, ang Diocesan Shrine and Parish of San Jose sa Baras, at St. Jerome Parish Church sa Morong.

Unang nag-anunsyo ng pagdiwang sa pagkilala ang simbahan ng Binangonan at Baras sa magkahiwalay na kaganapan.

Kung saan, gaganapin ang ang deklarasyon at paghirang ng parokya ng Sta. Ursula sa Marso 2. Habang ang Diocesan Shrine at Parish of San Jose ay idedeklara bilang NCT sa Marso 9.

Magugunita noong ika-18 siglo, itinayo ang orihinal na istruktura ng simbahan ng Binangonan habang ang Baras Church ay kinilalang pinakamatandang Josephian parish sa southern Tagalog mainland.

Samantala, ang Morng Church ay itinayo noong 1615, matapos masunog ang unang kahoy na simbahan. Nakatuon kay St. Jerome, natapos ang simbahan noong 1620.

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog