BABAE, BIKTIMA NG SPYCAM MATAPOS MAG-DOWNLOAD NG ISANG APP




Hindi lubos akalain ng isang babae na may nagmamanman na sa bawat galaw nito nang dahil sa isang app na kaniyang na-download.

Sa post ni Ysabelle Suan, senior high school siya ng isang babae ang lumapit sa kaniya at nagpa-download ng app para umano sa academics.

Ngunit, hindi nito akalain na isang spycam pala iyon na kayang mag-access ng camera sa phone basta may internet connection.

Naalarma naman si Ysabelle lalo na ng pagbantaan itong ikakalat ang mga na-record na footage at mga larawan niya na nakuha mula sa kanyang camera kung hindi siya susunod sa mga kondisyon.





Dahil dito, binalaan nito ang publiko sa kaniyang post lalo na sa mga mahilig mag-download ng mga apps na mag-ingat at siguruhing ligtas ang mga device.

Narito ang post ni Ysabelle Yuan:

"Senior high pa ako noon nang may nagpa-download sa akin ng app para daw sa academics. Hindi ko alam, spycam pala iyon na kayang ma-access ang camera ng phone ko basta may wifi. Ngayon, may nagbabanta na ipapakalat ang mga footage kung hindi ko susundin ang gusto niya."



Post a Comment

0 Comments

Search This Blog