Sa pagbabago ng mga bagay-bagay sa ating palibot ay unti-unti
na ding nagbabago o tila nag-upgrade ang estilo ng dating sa paglipas ng
panahon.
Natatandaan niyo pa ba ang “Pen pals”?
Noon, ito ang karaniwang pamamaraan sa pagpapahayag ng
iyong kagustuhan sa isang tao. Hindi pa kasi uso noon ang pagiging lantad ng
iyong nararamdaman sa isang tao.
Tila maihahambing ang “dating” noon sa mga napapanood sa
mga telenovelas at umaasa pa sa tadhana.
Nauso din ang tinatawag na “pen pal” kung saan idinadaan
ang panliligaw sa pagsusulat ng mga matatamis na salita.
Ngunit, sa paglipas ng panahon ay unti-unti na ding
nagbabago ang pamamaraan ng pagpapakita ng pagkakagusto sa isang tao na mas
lalo pang pinabilis at pinadala.
Isa na rito ang tinatawag na “Pitch Your Single Friend”,
kung saan parang inaanunsyo ng magkakaibigan ang kanilang kaibigan na single sa
harap ng iba pang mga single.
May ilang nag-e-effort sa naturang uri ng matchmaking
dahil ginagawan pa ng presentation ang mga taglay na katangian ng kaibigang
single.
Ang nasabing uri ng pamamaraan ng matchmaking ay
karaniwang ginagamit na isang marketing strategy ngunit sa halip na makabingwit
ng investor ay potential dates ang ina-attract nito.
Matapos ang pitches, dito na nagsisimula ang pakikihalubilo
at mingling hanggang sa makabuo ng makahulugang koneksyon.
Maliban dito, naalala niyo pa ba ang “speed dating”?
Ito ang mabilisang pamamaraan sa mga single na makita ang
kanilang “the one”. Dito, ang mga kalahok ay umiikot sa silid, nakakakuha ng
ilang minuto upang makipag-chat sa bawat tao bago lumipat sa susunod na
potensyal na laban.
Sa “speed dating”, personal mong ibinubunyag ang lahat ng
katangian mo sa isang estranghero hanggang sa baka kayo’y mag-click.
Bagama’t marami nang pagbabago sa uri o pamamaraan ng
pakikipag-date, mapa-letters man, pitches, o chats, ang paghahanap ng pag-ibig
ay
palaging isang pakikipagsapalaran.
Kaya ngayong Love Month, ano kayang pakulo ang iyong
gagawin?
0 Comments