Nawalan ng halos 4-milyon baht o katumbas ng P6.8-milyon
matapos itong mabiktima ng dalawang kalalakihan na nag-o-operate ng isang
AI-assisted scam call center.
Sa isang report ng South China Morning Post, nabiktima si
Charlotte Austin, isang Thai-British beauty queen, ng hinihinalang 50-member
gang na nag-o-operate sa isang gusali sa Poipet, isang syudad sa northern
Cambodia malapit sa border ng Thailand.
Kinilala ang mga suspek na sina Ramil Pantawong, 31-anyos
at 28-year-old Thanawut Kanyaphanthe na ngayo’y hawak na ng mga awtoridad.
Ayon kay Austin, nakatanggap siya ng tawag mula sa
nagpakilalang miyembro ng Department of Special Investigation at inakusahan
siyang sangkot sa money laundering scheme.
Sinabihan pa siya ng mga suspek na mapapawalang-sala
lamang umano ito kapag makapagpadala ng 4-milyon baht.
Ginawa naman ng beauty queen ang sinabi ng caller ngunit
hindi na naibalik pa ang kaniyang pera.
Pahayag naman ng mga suspek matapos silang maaresto ng
mga pulis na sila’y na-recruit sa social media upang maging administrators ng
isang gambling website. Ngunit, pagdating sa lugar, kinuha ng isang grupo ang
kanilang cellphones at passports tsaka pinilit na magtrabaho sa isang call
center scam.
Dagdag pa ng mga suspek, sila’y pinagbantaan na sasaktan
kapag hindi ginawa ang utos. Wala din umano silang natatanggap na bayad mula sa
mga nabibiktima nila.
Sa kabila nito, sinabi ng pulisya na nasa
humigit-kumulang 163 katao ang nabiktima ng naturang scam ng grupo kung saan
gumagamit sila ng AI upang ibahin ang kanilang mukha kapag nakikipag-usap sa
mga biktima sa pamamagitan ng video calls.
0 Comments