INAKALANG PATAPON NA, MAPAPAKINABANGAN PA PALA




Pinabilib ng isang 25-anyos na visual artist na mula sa Mapandan, Pangasinan ang mga netizen sa natatangi nitong talento.

Kung saan, nagawa nitong kapaki-pakinabang ang mga bagay na patapon na.

Tulad na lamang ng sangkalan na sa halip na itapon ay ginawa niya itong canvas para sa painting nito.

Ang naturang painting ay naka-display ngayon sa Banaan Museum sa Pangasinan at kinahuhumalingan na ng ilan na bumibisita rito.

Si Mareen Jean Tolentino ay nagsimulang nahilig sa pagguhit noong ito’y nasa elementarya pa lamang hanggang sa nagkaroon ito ng pormal na training nang kumuha ito ng kursong Architecture.

Karamihan sa kaniyang obra ay nagpapakita ng mga hayop at eksena ng buhay ng mga Pinoy.

Aniya, tila nakakaginhawa sa pakiramdam ang makita ang mga hayop na nasa kanilang natural habitat.

Bukod sa pagpipinta, nagsasagawa rin si Tolentino ng art workshops in-person at online.

Pangarap ni Tolentino na maipakita ang kaniyang mga obra hindi lang sa lalawigan ng Pangasinan kung hindi sa buong Pilipinas.

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog