ASHLEY ORTEGA, INAMIN ANG RELASYON NITO KAY MAVY LEGASPI

 


Kumpirmadong naka-in a relationship na sina Ashley Ortega at Mavy Legaspi.

Sa isang talk show kasama si Boy Abunda, inamin ng aktres ang estado ng relasyon nito kay Mavy matapos na ilang beses silang naispatan na magkasama.

Gayundin, napansin din si Ashley sa ilang mga larawan kasama ang pamilya ni Mavy.

Ayon sa aktres, nitong nakaraang taon lamang sila nagsimulang mag-hang out ni Mavy kahit na ilang taon na silang magkakilala.

“I think it started na parang there was a one night kasama 'yung mga friends namin so doon ko siya nakilala. Then nagtuloy-tuloy na, and then he asked me out if we can have lunch or dinner together just to get to know each other. Then nagtuloy-tuloy na,” aniya.

Matatandaan na umusbong ang spekulasyon nitong Enero nang maispatan ang dalawa na magkasama sa kasagsagan ng selebrasyon ng Sinulog Festival sa Cebu.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog