Kung sa Pilipinas, may rice terraces, sa bansang Thailand
naman ay mayroong rice paddy art work.
Tampok sa naturang artwork ang imahe ng isang matapang na
pulang dragon, sagradong pusa, at isang aso.
Naging kamang-mangha naman ito nang ginawa ito sa rice
paddies o ang taniman ng palay na sumisimbolo sa pag-asa at pagiging matatag ng
mga residente na nakabangon mula sa matinding pagbaha.
Ayon sa may-ari ng palayan na si Tanyapong Jaikham, kumakatawan
ang pusa sa mga residente ng kaniyang bayan na Chiang Rai na humarap sa
nakakasirang pagbaha noong nakaraang panahon ng tag-ulan.
Habang, ang dragon ay ang zodiac symbol ng taong 2023 na
nagpapakita ng pagprotekta sa hawak na pusa.
Si Tanyapon ay isang automobile engineer na nakipag-ugnayan
sa 20 katao kabilang na ang mga kaibigan at pamilya upang makalikha ng disenyo
gamit ang AI technology at satellite imagery kung saan ang taniman ng palay ang
main medium.
Inabot naman ng halos isang buwan ang ginugol ni Tanyapon
at nasa 500,000 baht (P850,000) ang nagastos nito upang magawa ang disenyo.
Samantala, binuksan ang nasabing artwork sa publiko noong
Disyembre ngunit inamin ni Tanyapon na hindi pa ito handing tumanggap ng mga
bisita.
0 Comments