16-ANYOS NA LALAKI, SINAGIP ANG 64-ANYOS NA WALANG MALAY SA KALYE NG BAGUIO CITY

 


Umani ng papuri ang isang 16-anyos na lalaki matapos nitong maisalba ang buhay ng isang 64-anyos na lalaki sa Baguio City.

Kinilala itong si Juan Carlos “JC” Sumbad, tubong Barangay Pinget sa Baguio City.

Sa ulat, papauwi na si JC mula sa eskwelahan sakay ng isang jeep nang pagbaba nito ay natagpuan niya ang isang lalaking walang malay sa kalye.

Sa una, inakala nitong ito’y lasing lamang ngunit nang suriin ang pulso ng matanda ay mahina na kung kaya’t agad nitong ginawa ang first aid at cardiopulmonary resuscitation (CPR).

Si JC ay isang estudyante ng Special Education (SPED) Center ng Easter College kung saan natutunan niya ang Basic Life Support (BLS) at CPR sa pamamagitan ng disaster and emergency response program ng institusyon.

Sa ginawa ng binata, naghatid-inspirasyon at kinahangaan ito ng ilang mga netizens.

Naniniwala pa si JC na dapat gawing normal ang pagpapakita ng kabutihan sa iba at hindi lamang isang bagay na ipagmalaki sa social media.

“Kindness is free, and it should empower us. Kindness should not be an extraordinary act but should be a simple day-to-day act,” paliwanag nito.

Sa kabila nito, labis naman ang pasasalamat ng anak ng 64-anyos na niligtas ni JC matapos itong ma-discharged sa ICU at sumailalim sa heart bypass operation sa Philippine Heart Center sa Quezon City.

Nabanggit pa ng anak na babawian na ng buhay ang ama nito kung hindi agad umaksyon si JC.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog