Inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM)
Secretary Amenah "Mina" F. Pangandaman ang paglabas ng P30.409-bilyon
upang punan ang regular na pension ng mga militar at uniformed personnel (MUP)
para sa unang quarter ng taong 2025.
Ito’y alinsunod sa direktiba ng Pangulong Ferdinand “Bongbong”
Marcos, Jr.
Ayon kay Mina, ang pension ng mga nagretirong MUP ang kanilang
inaasahan upang masiguro na matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan.
Ang naturang halaga ay sisingilin sa Pension and Gratuity
Fund (PGF) sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 12116 o ang FY 2025 General
Appropriations Act (GAA).
Nauna nang inilabas ng ahensya ang kabuuang
P16.752-bilyon sa Armed Forces of the Philippines – General Headquarters- Proper at sa Philippine
Veterans Affairs Office sa ilalim ng Department of National Defense (DND).
Samantala, kabuuang P13.297-bilyon ang ibinigay na sa mga
ahensya sangay ng Department of Interior and Local Government (DILG), tulad ng
Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail
Management and Penology, at National Police Commission.
0 Comments