SOBRANG PAGHIKAB, PANGA NA-LOCK?

 


Photo Courtesy | GMA News

Halos hindi na makapagsalita ang isang lalaki matapos na makaranas ito ng lockjaw dahil umano sa sobrang paghikab.

Sa ulat, hindi na maalis ang pagkakanganga ng bibig ni Rommel dahil sa nanigas na ang panga nito na nagresulta sa paglalaway nito.

Agad naman siyang humingi ng tulong sa isang massage therapist kung saan pina-relax muna ito at pinahiga bago binanat ang panga ng pasyente.

Dahil sa ginawa ng naturang massage therapist ay matagumpay na naibalik sa dati ang panga ng pasyente kung saan malaya na niya itong nagagalaw.

Ang naturang insidente ay tinatawag na “Temporomandibular joint displacement” kung saan naiirita ang muscle nito sa panga sa tuwing sumusobra ang pagbuka ng bibig lalo na kapag humihikab.


Post a Comment

0 Comments

Search This Blog