[TRIGGER WARNING: SENSITIVE CONTENT]
Ginahasa umano ng dalawang kalalakihang menor de edad ang
isang 6-anyos na batang babae sa Mabalacat City, Pampanga.
Ayon sa ulat, lumalabas sa imbestigasyon ng kapulisan na
habang naglalaro sa basketball ang batang babae ay bigla na lang siyang
hinablot ng dalawang batang lalaki at dinala sa madamong lugar kung saan ginawa
ang panghahalay.
Napag-alaman na ang dalawang lalaki ay may edad na 8-anyos
at 10-anyos.
Nang makauwi ang biktima, dito niya ikinuwento ang insidente
sa kaniyang ina na siya ring ini-report sa mga pulis.
Nasa kustodiya naman ng Department of Social Welfare and
Development ang dalawang batang lalaki habang ang kanilang magulang ay hindi na
naglabas ng pahayag ukol rito.
Samantala, isa pang suspek ng panggagahasa ang naaresto
sa Lapu-Lapu City, Cebu kung saan biktima rito ang mga apo ng ka-live-in
partner nito.
Unang hinalay umano ng suspek ang biktimang si “Kristine”
noong ito’y 8-anyos pa lamang.
Sa takot ng biktima mula sa pambabanta ng suspek ay hindi
nito ini-report ang insidente.
0 Comments