Panibagong yugto ng tagumpay ang muling naabot ng aktres na
si Judy Ann Santos-Agoncillo nang matapos nito ang professional culinary
program sa Center for Asian Culinary Studies.
“And...this happened today. Graduate na ko uli for my
pro-Asian culinary studies! Yipeee! What a way to start 2025! Loving my golds!
Thank you Lord!” saad nito sa kaniyang Instagram story.
Sa ibang post, ibinahagi ng Espantaho star na overdue na
ang graduation ng aktres bunsod ng Covid-19 pandemic.
“You’re never too old to learn something new,” dagdag pa
ng aktres.
Unang kumuha ng culinary course si Judy Ann noong 2006 at
nagtapos na may honors.
Noong 2019, nagpatayo siya ng Angrydobo at mayroon na
itong mga branches sa Taft Avenue at Westgate Alabang.
Nakalathala din ito ng librong “Judy Ann’s Kitchen” kung
saan nilalaman nito ang kaniyang mga recipes.
Mapapanood din siya sa kaniyang YouTube channel na “Judy
Ann’s Kitchen” kung saan mayroon siyang mga celebrity guests tulad nina Ciara
Sotto, Eugene Domingo, gayundin ang Gimik co-stars Marvin
Agustin, Jolina Magdangal, Dominic Ochoa, at Mylene Dizon.
0 Comments