PILIPINONG PARI NA INAKUSAHAN NG SEX ABUSE, NANANATILING AKTIBO PA DIN SA MINSTRY

 


Nananatiling aktibo pa din sa ministry ng Catholic-majority country ang mga Pilipinong pari na inakusahan ng sex abuse, ayon sa US-based abuse tracking group.

Kung kaya’t hinihikayat ang mga bishop ng bansa na gawan ng aksyon at papanagutin ang mga sinasabing salarin.

Ayon sa BishopAccountability.org, na sumusubaybay ng pang-aabuso sa Simbahang Katoliko, mayroong nang 82 na mga pari at mga kapatid mula sa Pilipinas at ibang nagsisilbi sa bansa ang akusado ng sex abuse.

Tinatayang na pito ang akusadong pari ang patuloy pa ding nagsisilbi sa mga Parokya sa bansa.

Sinabi ni Anne Barrett Doyle, co-director ng grupo, na ang mga obispo sa Pilipinas ay may “deep sense of entitlement” sa pagpigil ng mga impormasyong pang-aabuso ng mga par isa kani-kanilang diocese.

“These are men who fear nothing”, aniya pa.

Paliwanag naman ni Cardinal Pablo Virgilio David, president of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, na naglagay na ito ng opisina sa ilalim ng pamumuno ng isang arsobispo at grupo ng mga obispo at experts na nakatuon sa pagprotekta ng mga minors.

“Our mandate from Rome is to take the issue of accountability very seriously, especially those related to alleged abuse cases involving priests,” saad ni David. 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog