[TRIGGER WARNING: SENSITIVE NEWS]
Nalagay sa peligro ang buhay ng isang babae matapos na
lumubog ang isang intrauterine device (IUD) sa kaniyang matris.
Ang IUD ay isang maliit at parang letrang T ang hugis na birth control device na ini-insert sa uterus upang maiwasan ang pagbubuntis.
Sa isang post ni Aling Melat, ibinahagi nito na mayroon
itong IUD sa loob ng 12 taon at hindi nito nagawa pang magpa-checkup.
Inakala nito na normal lang ang kaniyang nararamdamang pagsakit ng ulo, pagkahilo at paghihilab sa tiyan dahil isa sa mga side effect ng IUD ay ang pagkakaroon ng mas malakas na regla tuwing dalawang buwan.
Ngunit nang lumipas ang panahon, palagi na siyang
nakakaramdam ng naturang mga sintomas tuwing dadatnan ng menstruation. Kung
kaya’t agad nitong napagdesisyunan na ipatanggal ang kaniyang IUD.
Dito, nadiskubre na nalubog na sa matris nito ang copper IUD.
Agad naman siyang isinailalim sa operasyon ng tatlong
oras upang tuluyan itong maalis.
Dahil dito, ipinaabot sa post ni Aling Melat ang kaniyang
babala sa publiko lalung-lalo na sa mga kababaihan na huwag ipagsawalang-bahala
ang regular check-up matapos na magpa-insert ng IUD upang maiwasan ang anumang
komplikasyon.
0 Comments