Tinatayang na 30-katao ang patay sa nangyaring stampede sa malawakang Maha Kumbh festival sa India nitong Miyerkules.
Ayon sa pulisya, maliban sa bilang ng mga namatay ay nasa 60 mga indibidwal ang isinugod sa ospital dahil sa natamong mga sugat.
Dagdag pa rito, itinuturing na sagradong araw ang
Miyerkules sa ikaanim na linggong Hindu festival kung kaya’t inaasahan na ang
pagdagsa ng nasa 100-milyong mga deboto upang makibahagi sa ritual bath sa confluence
ng Ganges, Yamuna at ang mythical Saraswati rivers.
Naniniwala ang mga Hindu na ang pagligo sa holy site ay
makakatulong sa pag-cleansing ng kanilang kasalanan noon at magtatapos sa
proseso ng reincarnation.
Ipinahayag ni Uttar Pradesh state’s top elected official,
Yogi Adityanath, na nangyari ang stampede nang sinubukan ng mga pilgrim na
tumalon sa mga barikada na itinayo para sa isang prusisyon ng holy men.
0 Comments