Nakatakdang sasabak sa 2025 Asian Winter Games ang nasa
20 mga atleta ng Pilipinas na gaganapin sa China sa darating na buwan ng
Pebrero.
Ang Winter Games ay magsisimula sa Pebrero 7 hanggang 14
sa Harbin, China.
Ayon sa Philippine Olympic Committee, sasali ang
Pilipinas sa anim na mga kumpetisyon mula sa 11 na mga sports.
Kung saan, apat na mga atleta ang magmula sa Philippine
Ski and Snowboarding Association.
Habang, 10 mga atleta at mga opisyal naman ang ipapadala
ng Curling Winter Sports Association of the Philippines o ang itinuturing na
Curling Pilipinas.
Matatandaan na opisyal nang nilagdaan ang pagiging
naturalized Filipino ng Russian figure skater na si Aleksandr Korovin.
0 Comments