2 PATAY SA LUMUBOG NA PRIBADONG MOTORBANCA SA NORTHERN SAMAR

 



Patay ang dalawang hindi pa nakikilalang mga indibidwal na natagpuan sa may dalampasigan ng Barangay Rawis, Laoang, Northern Samar noong Disyembre 30, 2024.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nakatanggap ang kanilang ahensya ng tawag mula sa Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Laoang kaugnay sa lumubog na pribadong motorbanca sa katubigang sakop ng Laoang, Northern Samar.

Sakay ng naturang motorbanca ang nasa anim na mga pasahero at dalawang crew.

Sinasabing nanggaling ang pribadong motorbanca Barangay Rawis, Laoang, at papuntang Batag Island nang bigla itong hampasin ng malalaking alon na naging sanhi ng paglubog nito.

Nakaligtas naman sa insidente ang apat na mga pasahero at dalawang crew na agad dinala sa pinakamalapit na ospital.

Samantala, agad namang dinala ng SAR team ang dalawang natagpuang mga bangkay sa Laoang Rural Health Unit para sa isang post-mortem examination.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog