PIA WURTZBACH, PATULOY NA NAMAMAYAGPAG SA INDUSTRIYA NG FASHION SA INTERNATIONAL

 


Panibagong tagumpay ang nagawa ni Miss Universe Pia Wurtzbach sa industriya ng fashion matapos na mapabilang sa listahan ng most visible fashion influencers sa taong 2024 na inilabas ng marketing platform na Lefty.

Kasama ni Wurtzbach sa listahan ang ilang mga international celebrities na sina Jisoo at Rosé ng Blackpink, Kim Kardashian, Cha Eun-woo at Kendall Jenner.

Nasa ika-18 pwesto ang Miss Universe 2015 titleholder sa listahan habang nanguna naman rito ang K-pop star na si Jisoo. Nakapatagtala ang beauty queen ng $38.4-milyon media value (EMV) at 1.1% average engagement rate.

Ilan pang mga celebrities na kasama sa listahan ay kinabibilangan nina Jennie at Lisa ng Blackpink, Felix ng Stray Kids, Won-young ng IVE, Freen Sarocha, Sana ng Twice, Kylie Jenner, Enhypen, NewJeans, Mingyu ng Seventeen, Léna Situations, Karina ng Aespa, Han So-hee at NCT.

Hindi lang ito ang unang pagkilala ni Wurtzbach bilang impactful influencer sa mundo ng fashion.

Noong 2024 ay kinilala si Wurtxbach bilang top influencer para sa Milan fashion Week Spring/Summer 2025 women’s wear edition.

Sa kaparehong taon ay nakatanggap din ang beauty queen ng Global Fashion Influencer of the Year award sa Dubai. 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog