Nakatakda na sa Hunyo 9 hanggang 28 ang Miss
Supranational 2025 sa Malopolska, Poland.
Ayon sa Miss Supranational Organization, mahigit sa 70
mga “aspirational, inspirational women” ang magtitipon-tipon at maglalaban para
sa korona ng ika-16th Miss Supranational Brand Ambassador.
Magiging kinatawan ng Pilipinas sa naturang international
pageant si Tarah Valencia ng Baguio City kung saan naka-batch nito ang ilang
beauty queens na sina Chelsea Manalo, Alexie Brooks, at Ahtisa Manalo.
Nitong nakaraang taon ay ibinandera ni Alethea Ambrosio
ang Pilipinas sa Miss Supranational Asia & Oceania kung saan pasok siya sa
Top 10 queens ng Supra fan vote leaderboard at semi-finalist sa Miss
Supranational Supramodel of the Year challenge.
Samantala, huling nakuha ng Pilipinas ang titulo sa Miss
Supranational ay noong 2013 sa pamamagitan ni Mutya Daul habang 1st
runner-up naman si Pauline Amelinckx noong 2023.
0 Comments