Mahigit P12-bilyon ang inilaang pondo para sa modernisasyon ng ilang paliparan sa buong bansa ngayong taon.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nakapaloob sa naturang pondo ang P10.6 bilyon para sa civil works at P1.8 bilyon para sa equipment at systems upgrades para sa 2025.
Dagdag pa rito, ipa-prayoridad na proyekto ang night-rating upgrades ng Cauayan, Dipolog, at Pagadian airports para sa mas ligtas at mahusay na operasyon sa gabi upang matugunan ang tumataas na air traffic demands.
Sinabi naman ni CAAP director general Manuel Antonio Tamayo na ang naturang modernisasyon ay makakatulong sa paglago ng turismo, magkaroon ng maayos na airport operations, at ma-improve ang karanasan ng bawat pasahero.
0 Comments