Hindi muna matutuloy ang laro Los Angeles Lakers at
Charlotte Hornets sa NBA dahil sa wildfire.
Pagtutuunan muna ng NBA ng pansin ang mga pamilyang
nawalan ng tirahan sa Los Angeles bunsod ng malawakang sunog.
Ayon sa NBA, ikinalungkot nito ang nangyari lalung-lalo
na sa mga residenteng nawalan ng tirahan.
Pinuri pa nito ang ipinakitang tapang at pagiging responsable
ng mga bumbero at rescuers sa patuloy na pag-apula ng naturang sunog sa lugar.
Una nang kinansela ng NBA ang National Hockey League sanhi
ng nasabing wildfire sa L.A.
Samantala, maglalabas naman ng update ang NBA ukol sa
schedule ng laro.
0 Comments