Patay ang isang ama sa Pakistan matapos siyang pagtulungan
na silaban ng dalawa nitong dalagitang anak mula sa magkaibang ina.
Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente noong Enero 1 sa
lungsod ng Punjabi sa Gujranwala.
Naisugod pa sa ospital ang ama ngunit binawian din ito ng
buhay.
Sinasabing paghihiganti ang naging motibo sa krimen kung
saan nagdesisyun umano ang magkapatid na magplano ng “permanent solution” sa
pananamantala sa kanila ng ama.
Kumuha ng gasolina ang magkapatid mula sa motorsiklo at ibinuhos
sa amang natutulog tsaka sinilaban.
Napag-alaman na parehong menor de edad ang magkapatid at ikinustodiya
ng pulisya.
Ayon sa magkapatid, halos isang taon na umanong
pinagsasamantalahan ng ama ang nakatatanda sa kanila, habang dalawang beses
namang pinagtangkaan ang mas nakababata sa kanila.
Alam naman ng ina ang pinaggagawa sa kanila ng ama ngunit
wala itong kaalam-alam sa planong paghihiganti ng magkapatid.
Inaresto ang isa sa mga asawa, habang isinasailalim sa
pagtatanong ang isa pa.
0 Comments