Inamin ng Roselyn Jean Pelle Command-New People’s Army
(NPA) na sila ang responsable sa pagkamatay ng isang magsasaka sa Barangay
Bagonbon, San Carlos City, Negros Occidental nitong Martes.
Ayon kay Ka Cecil Estrella, spokesperson ng naturang
grupo, ang kanilang ginawa ay isang “punitive measure” laban sa 51-anyos na
biktima na inaakusahan bilang isang serial rapist.
Sinabi pa ng grupo na ang naturang biktima ay ringleader
ng Revolutionary Proletarian Army (RPA) at isang asset ng military
intelligence.
Ipinahayag naman ni Police Major Ryan Villasario, deputy
chief of the San Carlos City Police Station, na ang 51-anyos na biktima ay
nag-aalaga ng kaniyang baka nang bigla siyang pagbabarilin ng mga hindi pa
nakikilalang kalalakihan.
Nagtamo ng ilang tama ng baril sa katawan ang biktima sanhi
ng pagkamatay nito.
Sa kabila ng inilabas na pahayag ng NPA, binigyang-diin
ni Villasario na tuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso batay sa nakuhang ebidensya
at salaysay ng mga saksi.
“It’s their claim and propaganda,” saad ni Villasario.
0 Comments