Kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive
Dangerous Drugs Act of 2002), and RA 10863 (Customs Modernization and Tariff
Act) ang kakaharapin ng 29-anyos na Pinay matapos mahulihan ng cocaine sa Ninoy
Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), hinuli
ang babae ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa international
arrival area ng Terminal 3 nitong Huwebes.
Halos 4.57 kilo ng cocaine ang nasabat sa suspek na aabot
sa mahigit P24-milyon ang halaga.
Nakasilid ang mga droga sa bitbit nitong dalawang bag, kasama
ang ilang mobile phones, travel documents and ID.
Nakumpirma na may mga drogang dala ang Pinay nang
sumailalim ang mga bagahe nito sa Customs X-ray at sa pag-inspection na din ng
K9.
Napag-alaman na sakay ng Ethiopian Airlines mula sa
Sierra Leone sa West Africa ang suspek na may connecting flights sa Addis Abab,
Ethiopia pauwi na may connecting flight in Addis Ababa, Ethiopia.
0 Comments