MISS TOURISM INTERNATIONAL 2025, GAGANAPIN SA PILIPINAS

 


Opisyal na inanunsyo ng Mutya ng Pilipinas ang pagiging host sa Miss Tourism International 2025 na gaganapin sa Davao.

Ito’y kasunod ng pagkakapanalo ni Yana Barrido sa ika-27th Miss Tourism International competition sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang naturang pag-host ng Pilipinas sa nasabing international pageant ay makasaysayan at kauna-unahan lalo na’t kilala ang MTI na itinatag noong 1994 bilang longest-running at pinakakilalang tourism pageant sa buong mundo.

Inaasahan sa ngayong MTI 2025 na makahikayat ng nasa 40 hanggang 50 na mga delegado sa buong mundo tampok ang Tourism and Cultural Heritages ng Pilipinas dala ang temang “Promoting Tourism, Culture and Friendship.”

Nabatid na anim na mga Pilipinang kababaihan ang nakapag-uwi ng titulong Miss Tourism International 2025 kabilang na ang kasalukuyang reyna na si Liana Barrido.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog