Binuksan na ng gobyerno sa Singapore ang mga aplikasyon
para sa mga Pilipinong estudyante – Grade 9 pataas – na gustong makakuha ng
ASEAN (Association of Asian Nations) scholarships.
Ayon sa Singapore Ministry of Education, magiging
available ang naturang scholarships sa loob ng apat na taon.
Ang mga makakapasa ay sasailalim sa programang
pang-edukasyon ng Singapore mula Secondary 3 hanggang Pre-University 2, paakyat
sa Singapore-Cambridge GCE A-Level certificate o katulad na kuwalipikasyon.
Maire-renew ang scholarship kada taon batay sa magiging
performance ng scholar.
Bagama’t hindi ipinahayag ang maximum number na bibigyan
ng nasabing scholarship, may itinakda namang petsa ng kapanganakan bilang
requirements ng Singapore para sa mga Pilipinong estudyante na nais mag-avail
ng ASEAN scholarships.
Anila, ito ay para sa mga Pilipinong ipinanganak sa
pagitan ng January 2, 2009 hanggang January 1, 2012.
Narito naman ang kinakailangan para maging kwalipikado sa
scholarship.
- Born
between January 2, 2009 to January 1, 2012
- Currently
in Grade 9 or above
- Proficient
in English
- Have
done consistently well in school examinations
- Have
a good record of participation in co-curricular activities.
Sasagutin naman ng scholarship ang mga sumusunod:
- Annual
allowance with hostel accommodation
- Settling-in
allowance
- Return
economy airfare
- School
fees
- Examination
fees for GCE O-Level and A-Level (once only, as applicable)
- Subsidized
medical benefits and insurance cover for accidents.
Magtatagal ang aplikasyon ng hanggang Pebrero 21, 2025.
Para sa mga interesadong aplikante, bisitahin ang MOE
website para sa mga karagdagang impormasyon: ASEAN
Scholarships for The Philippines-MOE.
0 Comments