Nahaharap sa 20-taong pagkakakulong ang dalawang Pinoy sa
United States matapos ang panloloko sa mga American authors at makunan ng
kabuuang $44-milyon o nasa P2.5-bilyon halaga.
Inanunsyo ng District Attorney ng Southern District
California ang hatol kina Gemma Traya Austin, Michael Cris
Traya Sordilla, at Bryan Navales Tarosa.
Kung saan, kinasuhan sila ng “conspiracy to commit mail
and wire fraud” at money laundering conspiracy sa pagpapatakbo ng isang book
publishing scam sa loob ng 7-taon.
Kilala si Sordilla bilang chairman ng Hiyas ng Pilipinas,
isang bagong tayong beauty pageant sa Pilipinas.
Nagtayo din ito ng business process outsourcing na
nakabase sa Mandaue City na tinatawag na Innocentrix Philippines at ang vice
president ng operasyon ay si Tarosa.
Binansagan ding fraud scheme ang Innocentrix Philippines.
Noong Disyembre 9, 2024 ay inaresto sina Sordilla at
Tarosa sa San Diego habang si Austin ay naaresto noong Disyembre 12, 2024 sa
Chula Vista.
0 Comments