MIKEE MORADA, IBINUNYAG ANG IKATLONG MISCARRIAGE NG ASAWANG SI ALEX GONZAGA

 


Ibinunyag ni Mikee Morada na nakaranas muli ng miscarriage ang asawa nitong si Alex Gonzaga.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na nakunan silang mag-asawa magmula nang sila’y ikasal noong Nobyembre 2020.

Sa isang online talk show ni Toni Gonzaga, dito ikinuwento ni Mikee ang mga hamon na kanilang hinaharap kasama ang asawang si Alex.

“Nung nalaman namin na pregnant kami for the third time, nagpa-check up kami kaagad sa OB and okay naman.

"Tapos nag-decide kami na mag-iingat na talaga siya and the second week, okay pa yung ultrasound,” kuwento ni Mikee sa Toni Talks.

Sa kasamaang-palad, hindi umabot ng isang buwan ang pagbubuntis ni Alex.

“Hanggang dun sa pangatlong linggo, e, sabi sa amin nung doctor, 'Naku, wala na namang laman. Blighted ovum ulit,” pagpapatuloy ni Mikee.

Ayon sa webmd.com, ang blighted ovium ay tumutukoy sa pag-develop ng fertilized sa uterus ngunit hindi natutuloy sa embryo.

Tinatawag din daw itong "anembryonic" o "no embryo" pregnancy at kadalasan ay nauuwi sa miscarriage.

Sa halip na sumuko, pinili ni Mikee na maniwalang sinusubok lamang sila na mas patatagin pa ang kanilang relasyon bilang mag-asawa.

Matatandaan na unang nakunan si Alex noong 2021 na sinundan noong 2023.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog