“FOREVER MISSED…NEVER FORGOTTEN”
Minarkahan nitong Linggo ang ikalimang anibersaryo sa
trahedyang ikinamatay ng Lakers legend Kobe Bryant at anak nitong si
Gianna.
Sa post ng Los Angeles Lakers, ibinahagi ng grupo ang ilang mga larawan ng mag-ama kung saan makikita ang matatamis na ngiti ng dalawa habang nanonood ng laro.
Matatandaang taong 2020 ng Enero 26 nang mangyari ang
trahedya na ikinamatay nina Kobe Bryant, anak nitong si Gianna at pitong pang
iba matapos na bumagsak ang sinasakyang helicopter sa mga gilid ng burol sa Calabasas,
California na patungo sana sa tournament sa Bryant's Mamba Academy sa Thousand
Oaks.
"Forever missed....Never Forgotten," saad ng
dating Lakers teammate na si Caron Butler sa kaniyang Instagram nitong Linggo
kasama ang larawan ng mag-amang Bryants.
Maraming mga tagahanga at nakakilala sa mag-amang Bryants
ang labis na nalungkot kung kaya’t bilang pagpupugay at pag-alala sa dalawa ay
pinatayo ang kanilang rebulto sa labas ng Crypto.com Arena sa Los Angeles.
Maging sa ilang mga syudad at ibang bansa ay ginawan ng
mural project ang mag-ama pati na ang installation ng mga gusali, basketball
courts at iba pang pasilidad ay may temang iniayon kina Kobe Bryant at Gianna.
Ayon sa Kobemural.com, mayroon ng nasa 463 murals sa
Estados Unidos.
0 Comments