ESCALATOR, LIMANG HAKBANG LANG NASA IKALAWANG PALAPAG KA NA?

 


KA-K5, SA TINGIN MO ANO PANG SILBI NG ESCALATOR KUNG LIMANG HAKBANG LANG AY NASA TAAS KA NA NG IKALAWANG PALAPAG?

Tampok ang escalator na ito sa Japan na tinatawag na “Petitcalator” o “Puchicalator”.

Pero maniniwala ka ba ka-K5 na ang walang purpose na escalator ay kikilanin pala ng Guinness World Record bilang “world’s shortest escalator”?

Ang naturang escalator ay matatagpuan sa basement ng More’s Department Store sa Kawasaki City, Japan kung saan mas itinuturing itong tourist attraction kesa sa isang useful piece ng teknolohiya.

Ginawa ang nasabing escalator sa kagustuhang makonekta ang underground level ng department store sa katabing Azalea underground shopping center.

Ngunit, may malaking concrete beam kung saan ilalagay sana ang motor ng escalator at hindi na maaaring tanggalin kung kaya’t napagdesisyunan na liitan ang escalator.



Sa kabila nito, tila wala pa ring silbi ang inilagay na escalator dahil may kasunod pa din itong hagdan na kung tutuusin puwedeng hagdan na rin lang ang inilagay sa halip na escalator na maikli.

Pero dahil sa titulong hawak nito mula sa GWR sa loob ng 30 taon ay pinanatili ang disenyong escalator at patuloy na binibisita ng mga turista.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog