Ka-K5, alam niyo ba na pwedeng ikamatay ng isang tao ang ‘chikinini’?
Isang binata sa Mexico ang biglang na-stroke at kinalauna’y
namatay nang dahil sa paghalik sa kaniya ng nobya sa leeg.
Ayon sa ulat, naghahapunan sila ng kaniyang nobya kasama
ang pamilya nito sa Mexico City. Dahil sa panggigigil ng nobya sa 17-anyos na binata
ay pinaghahalikan niya ito sa leeg na nag-iwan ng marka na tinatawag na “chikinini”.
Ilang sandali pa, bigla nalang nangisay ang lalaki hanggang
sa ito’y na-stroke.
Hinala ng mga doktor na ang matinding pagsipsip sa leeg
na nag-iwan ng ‘chikinini’ ang naging dahilan ng pamumuo ng dugo na dumaloy
patungo sa utak ng binata na nagresulta sa pagka-stroke nito.
Dahil dito, isinisi ng mga magulang ng binata ang
nangyari sa nobya nitong bigla nalang nawala.
0 Comments