Kinilala ang isla ng Boracay sa Malay, Aklan bilang World’s Leading Luxury Island Destination sa 2024 World Travel Awards Grand Final Gala Ceremony sa Madeira Portugal.
Ayon kay DOT-6 Regional Director Crisanta Marlene
Rodriguez, ang naturang parangal ay isang patunay at motibasyon ng isla sa patuloy
na pagpapanatili ng magandang reputasyon bilang isa sa mga nangungunang luxury
destinations sa buong mundo.
Labis naman ang pasasalamat ng Malay Municipal Tourism
Office sa pagkilalang muli sa isla ng Boracay sa prestihiyosong programa.
Maliban dito, pinarangalan din ang isla ng Boracay bilang
Asia’s Leading Luxury Destination sa World Travel Awards (WTA) noong
Setyembre.
0 Comments