ILANG SIKAT NA CELEBRITIES, NILIKAS ANG TIRAHAN SA L.A. DAHIL SA SUNOG

 


Ilang mga sikat na celebrity ang napilitang lumikas dahil sa patuloy na pagkalat ng apoy sa Pacific Palisades, kalapit-bayan ng Los Angeles.

Kabilang sa 30,000 na mga residenteng nasa evacuation order sina Star Wars’ Mark Hamill, Mandy Moore, Heidi Montag, at Eugene Levy.

Sa Instagram post, sinabi ni Hamill na bandang alas-7:00 ng gabi na ito lumikas kung saan tila last minute na aniya dahil mayroon nang maliliit na mga apoy sa magkabilang panig ng daan habang tinutungo ang PCH.

Kinumpirma din nito ang ligtas na pagkakarating nito sa bahay ng anak na baba sa ibang parte ng Los Angeles at inilarawan ang nangyari na “most horrific fire singe ‘93”.

Napilitan ding lumikas sa kanilang bahay ang actress-singer na si Mandy Moore at ligtas ding naisalba ang mga anak, aso at pusa.

Gayundin, lumikas sa lugar sina Filmmaker Guillermo del Toro at actor na si Eugene Levy.

Pahayag ni Levy, dating nagsilbi bilang honorary mayor ng Pacific Palisades magmula noong 2021, na ang usok mula sa sunog ay may napakaitim at pinakagrabe.

Nakaranas din ng kaparehong karanasan ang mga celebrity na sina Heidi Montag at Spencer Pratt.

Samantala, nakapagtala na ng limang patay at mahigit 1,000 na mga istruktura ang nasira bunsod ng malawakang sunog sa L.A.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog