Nasabat ng Bureau of Customs – Port of Clark ang apat na
pouches ng Methamphetamine Hydrochloride o mas kilala bilang “Shabu” na may
halagang aabot sa P2.65 milyon.
Sa ulat ng BOC, ang shipment ng naturang package ay sa
United States at idineklarang mga “Gift Items Coffee Bags (Variety), Candy or
Snacks”.
Nang maisailalim sa X-ray inspection ang nasabing
shipment ay dito na natagpuan ang ilang gift items at coffee bags kung saan
nakatago sa coffee bags ang apat na vacuum-sealed transparent pouches ng
Methamphetamine Hydrochloride “Shabu”, na may bigat na 390 grams.
Kinumpirman naman ng Philippine Drug Enforcement Agency
(PDEA) na ito’y shabu ay nahahanay sa dangerous drug sa ilalim ng amended
R.A. No. 9165.
Dahil dito, mahaharap sa paglabag sa Section 118(g), Section
119(d), at Section 1113 paragraphs f, i, and l (3 and 4) of R.A. No. 10863, o
ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), alinsunod R.A. No. 9165 ang
nasabing shipment.
0 Comments