Nakagawa ng record-breaking ang isang Pinay na vlogger matapos mapuntahan ang nasa 195 na mga bansa.
Si Kach Medina Umandap ay isang Filipina vlogger na gustong-gusto ang mag-travel sa iba’t ibang mga lugar.
Nagawang mapuntahan ni Umandap ang lahat na 195 na mga bansa at unti-unti nitong tinupad ang kaniyang travel goals kung saan naging katibayan ang mga stamped sa kaniyang passport.
Sa ulat, ibinahagi ni Umandap ang kaniyang travel journey kabilang na ang Antarctica kung saan siya naninirahan.
Unang nagsimulang bumiyahe ang Filipina vlogger sa iba’t ibang bansa bilang OFW sa edad na 20. Ngunit, naisip nito na ituloy ang kaniyang pagkahilig na malibot ang mga bansa sa buong mundo nang magsimula itong mag-backpacking noong 2013.
Ang bansang Kuwait ang kaniyang unang binisita at ang last stop nito ay ang Sudan.
Ngayon, sa kaniyang pagbabalik sa Pilipinas, nais ng Pinay vlogger na libutin ang mga probinsya sa bansa upang turuan ang mga kabataan na simulant ang buhay habang bata pa.
Inabisuhan pa nito ang ibang mga byahero na unang bumiyahe sa nga visa-free na mga bansa.
Aniya pa, matuto ng digital skills upang makapagtrabaho online at magawa mo ito kahit saan.
0 Comments