3 SUGATAN SA PAGKASUNOG NG EROPLANO SA BUSAN

 


Sapilitang inilikas ang nasa 176 kataong sakay ng eroplanong Air Busan sa Gimhae International Airport sa Busan nitong Enero 28, 2025.

Ayon sa transport ministry, nakatakdang lilipad ang Air Busan plane patungo sa bansang Hong Kong mula sa Gimhae International Airport nang masunog ang buntot na bahagi ng eroplano dahilan na dali-daling inilikas ang mga sakay nito.

Agad namang rumesponde ang mga bumbero at halos isang oras bago naapula ang apoy.

Nakapagtala naman ng tatlong indibidwal na sugatan sa insidente na tinamo sa kasagsagan ng paglikas.

Wala pang inilabas na impormasyon ukol sa dahilan ng sunog dahil sa nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog