DR. ROSA NA NAG-O-OPERATE NG BEAUTY SURGERY, ARESTADO SA MANDALUYONG

 


Arestado ang isang Vietnamese national sa Mandaluyong City matapos ang umano’y panggagamot na walang lisensya.

Ayon sa national Bureau of Investigation, kinilala ang doktor na si Trinh Thi Kieu Nguyen o mas kilala bilang si “Dr. Rosa”.

Nahuli si Dr. Rosa ng mga NBI agents kasunod ng isang tip mula sa isang confidential informant.

Si Nguyen ay nag-o-operate ng umano’y medical procedures sa JK Beauty Clinic sa Mandaluyong.

Lumalabas sa imbestigasyon na nag-aalok si Nguyen ng mga procedures tulad ng eyelid surgery, vaginal tightening, Botox injections at iba pang cosmetic treatments ng libre.

Narekober naman ng mga awtoridad sa doktor ang marked money at iba’t ibang medical paraphernalia sa gitna ng operasyon.

Noong Enero 9, sumailalim si Nguyen sa inquest proceedings sa Mandaluyong prosecutor’s office dahil sa paglabag sa Section 10 in relation to Section 28 ng Republic Act 2382 o ang Medical Act of 1959.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog