Binawian ng buhay ang dalawang bata habang na-comatose naman ang kanilang ama matapos makakain ng isang uri ng alimango sa Isla Palaui sa Sta. Ana, Cagayan.
Sa ulat, ipinaksiw ng nanay ang dalang alimango ng mister
nito at siniguradong maluto ito.
Ngunit, nang makain ito ng kaniyang mga anak at asawa ay
dito na nagsimula ang kalbaryo ng pamilya.
Kung saan, biglang nahilo ang asawa at nasusuka hanggang
sa hindi na nito magalaw ang katawan.
Nag-umpisa na din makaramdam ng kaparehong sintomas ang
kaniyang dalawa pang anak dahilan na agad nito silang isinugod sa ospital.
Napag-alaman na hindi pala ordinaryong alimango ang
nakain ng mag-anak kundi isang tinatawag na “devil crab”, isa sa mga
nakakalasong alimango na matatagpuan sa Pilipinas. Ang naturang uri ng alimango
ay mailalarawan sa mapula at kayumangging kulay ng spots sa shell nito.
Kilala din ito sa scientific name na “Zosimus aeneus na
mayroong neurotoxins tetrodotoxin at saxitoxin na nakakasama sa katawan ng tao.
0 Comments