'CORPSE FLOWER' NA MAY HINDI KAAYA-AYANG AMOY, PINIPILAHAN NG MGA TAO

 


Namukadkad na sa Brooklyn Botanic Garden ang pambihirang ‘corpse flower’ kung saan pinilahan at dinagsa ito ng mga tao upang maamoy ang kakaiba nitong amoy.

Matagal nang inaalagaan ni gardener Chris Sprindis ang Amorphophallus gigas o ang corpse flower matapos itong matanggap bilang seedling mula sa isang orchid nursery sa Malaysia, pitong taon na ang nakalilipas.

Ayon sa ulat, ang corpse flower ay may amoy na parang nabubulok na karne.

Habang, may iba namang nagsasabi na ang halimuyak nito’y katulad ng nabubulok nab asura, napapawisang gym o ng locker room.

Karaniwan namang inaabot ng pito hanggang sampung taon ang unang pagbukadkad ng ‘corpse flower’ na hindi rin naman tumatagal.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog