Photo Courtesy | GMA News |
Patay ang ama habang sugatan naman ang ina nang
pagtatagain sila ng sariling anak sa Davao City.
Sa ulat, nagalit umano ang 33-anyos na anak nang
pagsabihan ng mga magulang na magtrabaho dahilan na humantong sa naturang insidente.
Nagtamo naman ng taga sa batok at balikat ang 71-anyos na
ama na naging sanhi ng pagkamatay nito habang ginagamot sa ospital ang asawa
nitong sugatan.
Sinasabing nagsisibak umano ng kahoy ang ama ng mangyari
ang insidente.
Batay sa pahayag ng opisyal ng barangay na dati nang may
alitan ang suspek sa mga magulang nito na kung saan nagawa pa siyang isumbong
sa barangay dahil sa pananakit.
Napag-alaman na matagal nang nagrereklamo ang mga
magulang ng suspek dahil sa pagiging tamad nito kung saan umuuwi lang ito sa
kanilang bahay kapag kakakain na.
Nagawa pang tumakas ng suspek matapos ang ginawang krimen
ngunit kinalaunan ay agad naman siyang naaresto.
Mahaharap naman sa kasong parricide at frustrated parricide
ang suspek.
SOURCE: GMA News
0 Comments