Pansamantala munang titigil sa showbiz industry ang
batikang aktres na si Jodi Sta. Maria upang pagtuunang-pansin ang plano nitong
pagkuha ng Master’s Degree sa Clinical Psychology.
Sa ulat, naniniwala umano ang aktres na walang kinalaman sa
pag-arte ang pansamantala nitong pag-alis sa showbiz, sa halip ay marami pa siyang
maaaring gawin.
Ibinahagi din ni Jodi ang plano nitong pagpapatayo ng
maliit na center upang maging accessible sa lahat ang tulong kaugnay sa mental
health.
0 Comments