Photo Courtesy | Panay News |
Ninakawan ng tatlong armadong mga kalalakihan ang tatlong
empleyado ng isang bottling company sa Barangay Sta. Fe, Pilar, Capiz nitong
Linggo.
Kinilala ang mga biktima na sina Jorge Valsote, 48, residente
ng Barangay Poblacion Tabuc, Panay, Capiz; Daniel Acervo, 35, ng Barangay
Parian, Sigma, Capiz; at Jose Billones, 57, ng Barangay Tanza Sur, Panay,
Capiz.
Ayon kay Colonel Albert Tapulao, director of Capiz Police
Provincial Office (CPPO), sakay ang mga biktima ng isang gray Toyota Innova
nang bigla silang parahan ng mga suspek at tinangay ang kanilang koleksyon na
aabot sa P1-milyon ang halaga.
Dagdag pa rito, tinutukan pa ng baril ang mga biktima
tsaka pinababa sa sasakyan, tinalian ang kanilang ang mga kamay at binalutan ng
bonnets ang kanilang mga ulo.
Bago umalis ay kinuha pa ng mga suspek ang sus isa mga
biktima at tumakas gamit ang sasakyang Mitsubishi Mirage.
Ang mga biktima ay nanggaling sa mga bayan ng Banate at
Lemery sa probinsya ng Iloilo at patungo sa Panay town nang mangyari ang
insidente.
Napag-alaman na nagpanggap bilang mga miyembro ng pulis
ang mga suspek nang gawin ang panghaharang at pagnanakaw.
Sinabi pa ni Tapulao na may posibilidad aniya na ito’y
inside job.
Habang, nadiskubre nilang ang mga persons of interest ay
nasasangkot sa iba’t ibang krimen kabilang na ang pagnanakaw.
Source: Panay News
0 Comments