Humakot ng ilang medalya ang isang Pinoy chess player sa ginanap
na 6th Eastern Asia Youth Chess Championship sa Bangkok, Thailand.
Ngunit, hindi naging madali ang pinagdaanan nito upang
makuha ang mga parangal.
Si Bince Rafael Operiano, 9 na taong gulang at tubong
Oas, Albay, ay tatlong araw na namalagi at natulog sa airport dahil sa kapos sa
budget na makabili ng ticket papuntang Thailand.
Ang plane ticket ay sponsored ng Philippine Sports
Commission na kailangang hintayin kung kaya’t napilitang bumiyahe mag-isa ng
bata papuntang Thailand at naiwan ang ama nito.
Sa naunang mga laban ni Bince ay nabigo ito dahil sa
pangungulila sa ama. Sa murang edad ay hindi nito nakayanan ang malayo sa
magulang habang nakikipaglaban sa ibang bansa.
Ayon pa sa magulang ng ilang mga kalahok ay nakita nila
si Bince na umiiyak sa isang tabi.
Sa kabila nito, nanumbalik naman ang lakas ng loob ng
9-anyos nang dumating ang kaniyang ama at dito na nilampaso ang mga kalaban
mula sa iba’t ibang bansa.
Kung saan, mula sa 20 kalahok ay nakuha ni Bince ang rank
number 1 sa kategoryang U-10 o 10-anyos pababa.
Samantala, sa murang edad ay iginawad kay Bince ang
ranggong NM o National Master dahil sa ipinakitang husay sa Chess.
0 Comments